200 Tsino, huli sa operasyon laban sa scam hub

MANILA, Philippines — Aabot sa 200 na mga dayuhan, karamihan ay mga Chinese national, ang dinakip ng mga awtoridad sa magkasabay na pagsalakay sa mga hinihinalang scam hub sa mga bayan ng Alicia at Siay sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay noong Biyernes.
Sa ulat ng Army’s 1st Infantry Division, huli sa akto ang mga naturang dayuhan sa magkahiwalay na raid sa mga bayan ng Alicia at Siay kahapon ng madaling araw.
Kinumpiska rin ang nasa 2,000 gadgets na posibleng gamit umano sa kanilang scam-related na aktibidad.
Nag-ugat ang operasyon sa intelligence gathering ng Immigration at NBI hinggil sa ulat na mala-POGO na aktibidad sa lugar.
Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 11862 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, at Commonwealth Act No. 613, ang Philippine Immigration Act of 1940 ang mga sangkot.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang immigration status ng mga hinuli na maaari rin namang mga biktima ng trafficking, exploitation, coercion, unlawful recruitment, restriction of movement, at iba pang krimen.
- Latest




















