^

Pang Movies

Alden, kumampi kina Jennylyn!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ni-repost ni Alden Richards ang post ni Dennis Trillo patungkol kay Patrick Garcia.

Magkasunod ni-repost ni Alden at post ni ­Dennis na “Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag bash sa anak mo. Spread Love Not Hate” at “Kapag naghugas ka ng kamay sa kanal… lalu lang dudumi!”

Nabanggit ng isang netizen na hindi lang si Alden ang nagpakita ng suporta kina Dennis at Jennylyn Mercado, pati na sina Rita Avila, Kylie Padilla, ­Sheena Halili, Rica Peralejo at Atty. Joji Alonso.

Ang ganda ng post ni Atty. Joji, “I have known Jennylyn Mercado even before she won Starstruck. She was then a teen hoping to help her family build a better life.

“Jen Mercado is not a perfect person-just like the rest of us.

“But she chose to keep her baby during a time when she was climbing to the peak of her young career.

“She chose life-over fame and fortune.

“She struggled and met many challenges over the years to raise a special child, as a single parent.

“Jen could have chose to speak ill but she didn’t. She chose to protect the peace she gained and avoid hurting anyone else.

“That says more than someone who had all of 18 years to be a father to his son.”

Samantala, naaliw ang fans sa pagbabasa ng mga pasaring ni Dennis, may halong comedy, kaya hindi naha-high blood ang mga nakakabasa. Sample sa post niya, “Gusto mo dance showdown nalang tayo eh!!!” at sinundan ng “Wag na kayo umasa, walang magaganap na showdown! Alam na naman natin sino mananalo, joke lang po.”

Alam ng fans na hindi dance showdown ang tinutukoy ni Dennis, pero hindi nito sinagot ang comment na suntukan showdown na lang ang gawin nila ni Patrick.

Actually, the issue is getting uglier, inungkat ang dating isyu kina Jennylyn at Patrick at family ni ­Patrick at nagugulat ang ngayon lang nakaalam kung gaano kainit ang isyu kina Jennylyn at Patrick.

Samantala, may bagong hirit na naman si Dennis, nag-comment ito sa sagot ni Patrick sa tanong ni Boy Abunda sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda to describe him as a father. Sagot kasi ni Patrick, “Dedicated.” Comment ni Dennis, “Mahilig din akong  mag dedicate ng mga kanta as a father.”

Comment ng fans, walang ligtas si Patrick kay Dennis dahil lahat nang sabihin nito, may reaction si Dennis. Mabuti raw at hindi nagre-react si Patrick na for sure, nakakarating sa kanya ang mga hirit ni Dennis.

Kris, bumabawi!

Dahan-dahan bumabawi si Kris Aquino pagdating sa endorsements at naka-iskor na siya ng malalaking endorsements. Nauna na ang Netflix, sinundan ng Safeguard ng P&G, Ikea at nitong huli, Shopee.

Napa-comment ang isang netizen ng “Kris Aquino is REALLY BACK and bagged all these endorsements. She really just went and made herself better then brands are trusting her again.

“Iba talaga pag isang Kris Aquino. Authentic & malakas pa rin ang buying factor.”

Napanood namin ang behind-the-scene ng TVC shoot nina Kris at Bimby Aquino for Ikea at kita ang pag-aalaga ni Bimby sa mom niya. Sinabayan niya sa paglalakad si Kris dahil hindi pa normal ang paglalakad at nang si Kris lang ang kinukunan, nakabantay siya sa ina. Nakahandang umalalay at baka matumba.

Kaya tuwang-tuwa ang fans kay Bimby, ipinapakita raw nito ang pagmamahal sa ina at ayaw na may nangyari habang nasa labas sila ng bahay.

Dekada trophy, ginawa ng Ivatan

Sa Sunday na, Oct. 4, 2026 gaganapin ang MMPRESS Golden Screen Awards: Dekada Awards edition. Gagawin ang Dekada Awards sa MMFF Auditorium, MMDA Head Office, Pasig City.

Ang ganda ng trophy na tatanggapin ng winners. Gawa ito ng upcycled, reused and recycled material gawa ng talented Ivatan artist. Comment ng fans, trophy na gugustuhin mong manalo ka para mai-display sa bahay.

Ang Dekada Awards 2026 ay co-presented ni Cong. Javi Lopez Benitez, chairperson of the House of Special Committee on Creative Industries. Nagpapasalamat kay Cong. Javi ang MMPRESS dahil mabilis siyang pumayag nang lapitan ng grupo na tulungan sila para maging successful ang Dekada Awards.

Isa sa awardee si Dennis Trillo, naku, kapag dumating ang aktor, alam na, pagkakaguluhan siya ng media.

PATRICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with