JK at Xyriel, wagi sa Cinepanalo!
Big winner ang pelikulang Mono No Aware sa ginanap na 2026 Puregold CinePanalo Film Festival Awards Night last Wednesday sa Gateway Cinema.
Ang nasabing full length film ang nag-uwi ng karamihan sa technical and major awards including Best Actor for Juan Karlos. Best Director for BC Amparado, Best Ensemble, Best Editing, Best Cinematography, Best Sound Design, the International Jury Award, and the top prize, Best Picture or Pinaka Panalong Pelikula.
Si Xyriel Manabat naman ang hinirang na Best Actress para full-length film na Stuck on You.
Present ang aktres para personal na tanggapin ang kanyang award habang si JK naman ay hindi nakadalo sa nasabing gabi ng parangal, gayundin si Zanjoe Marudo na nanalong Best Supporting Actor para sa pelikulang Apol of My Ai.
Napanalunan naman ng Japanese actress na si Momoko Kobayashi ang Best Supporting Actress para sa pelikulang Mono No Aware in the full-length category.
Samantala, mukhang lalong lumakas ang audience interest sa Filipino independent cinema ngayong 2026 matapos i-record ng CinePanalo Film Festival ang mas malaking crowd at sunud-sunod na sold-out screenings.
Ayon kay festival director Chris Cahilig, nalampasan ng festival ang kanilang expectations ngayong taon, hindi lamang dahil sa rami ng dumalo kundi pati na rin sa magandang reception ng audience sa kanilang lineup.
“This is a dream come true for us,” ani Cahilig. Ibinahagi rin niya na kapansin-pansin ang dami ng sold-out screenings, hindi lang para sa mga pelikulang tampok ang malalaking artista o popular na pangalan, kundi maging sa arthouse films.
Happy rin ang festival director na consistent ang turnout kahit sa mga late afternoon at evening screenings. Aniya, halos lahat ng screenings na kanilang napapanood ay sold-out, isang indikasyon ng patuloy na interes ng moviegoers sa iba’t ibang klase ng pelikulang Filipino.
Bukod sa strong audience turnout, nakatanggap din umano ang festival ng inquiries mula sa iba’t ibang film distributors. Para kay Cahilig, maaaring magbukas ito ng mas maraming opportunities para sa mga pelikulang ipinalabas sa CinePanalo na magkaroon ng mas malawak na audience.
May ilan din umanong pelikula mula sa festival ang nakatakdang sumali sa international film festivals, bagama’t hindi pa ibinunyag ang mga detalye.
Sa naging takbo ng CinePanalo 2026, malinaw na hindi lamang mainstream films ang kayang humatak ng audience. Ipinakita rin ng festival na may puwang at interes ang Filipino viewers para sa independent at arthouse cinema – isang development na maaaring makatulong sa mas malawak na exposure ng mga lokal na filmmakers at kanilang mga pelikula.
Samantala, narito ang list of winners.
FULL-LENGTH:
(Best Full-Length Film): Mono No Aware
(Best Director): BC Amporado, Mono No Aware
(Best Story): Carl Joseph Papa, Yvonne Garcia, Patay Gutom (Dead Hungry)
(Jury Award): Apol of My Ai
(International Jury Award): Mono No Aware
(Puregold Always Winner): Patay Gutom
(Puregold Always Winner): Multwoh
(Audience Award): Multwoh (Patay na Patay Sa’yo)
(Best Cinematography): TM Malones, Mono No Aware
(Best Production Design): Rodrigo Ricio, Multwoh (Patay na Patay Sa’yo)
(Best Editing): Edmud Telmo, Mono No Aware
(Best Visual Effects): Patay Gutom Team, Patay Gutom (Dead Hungry)
(Best Sound Design): Willie Apa Jr., Mono No Aware
(Best Musical Scoring): Emerzon Texon, Apol of My Ai
(Best Song): Reyna ng QC, Stuck on You
(Best Ensemble): Mono No Aware
(Best Actor): Juan Karlos Labajo, Mono No Aware
(Best Actress): Xyriel Manabat, Stuck on You
(Best Supporting Actor): Zanjoe Marudo, Apol of My Ai
(Best Supporting Actress): Momoko Kobayashi, Mono No Aware
(Best Child Performer): Zion Cruz, Apol of My Ai
Mapapanood pa rin ang official entries sa CPFF hanggang Oct. 4, 2026 sa participating cinemas.
- Latest


















