^

Police Metro

Trike binundol ng jeep: 2 dedbol, 2 sugatan

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang suwagin ng isang modern public utility vehicle ang kasalubong nitong tricycle sa provincial road  ng Brgy. Palsahingin, San Pascual, Batangas nitong Sabado ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay ang 54-anyos na lalaki na pasahero ng tricycle habang ang driver ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa kapwa nagtamo ng matinding sugat sa katawan.

Ang dalawang nasugatan kabilang ang isang estudyante ay isinugod sa San Pascual de Baylon Hospital at San Antonio Life Care Hospital para malapatan ng pangunahing lunas.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:20 ng tanghali habang bumabagtas ang tricycle sa kahabaan ng provincial road ng nasabing lugar nang ito ay pansamantalang huminto nang may pumarang pasahero.

Nang bigla silang binundol ng pampasaherong jeep na pag-aari ng FCM Transport bunsod upang humagis sa kalsada ang mga pasahero.

Nasa kustodya ng pulisya ang PUV driver na kinasuhan ng kriminal.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with