Half sisters nag-umpisa na!
MANILA, Philippines — Dobleng tawanan at takutan ang hatid ng Pinoy Big Brother Collab twins na sina Bianca de Vera at Esnyr Ranollo na gaganap bilang magkapatid na manananggal sa bagong iWant vertical serye na Half Sisters na nag-umpisa na kahapon, Setyembre 25 (Biyernes).
Makakasama rin nina Bianca at Esnyr sa serye ang PBB Collab Big Winner na si Brent Manalo bilang love interest ng magkapatid, pati sina Xyriel Manabat at Petite.
Sa direksyon ni Julius Alfonso, iikot ang serye sa hating magkapatid na Emily (Bianca) at Ramon (Esnyr) na sila’y manananggal pala. Sa rebelasyon ni Ramon sa kanyang kapatid, hindi lubusang matanggap ni Emily na may lahing halimaw ang dalawa.
Hindi lang ang kanilang katawan ang maghihiwalay kundi pati na rin ang kanilang samahan nang parehas silang mapapaibig kay Pancho (Brent) na kanilang pagtatalunan.
Ang Half Sisters ay ang kauna-unahang vertical drama series ng Star Creatives matapos ang mainit na pagtanggap sa mga serye nitong The Loyalty Game at The Secrets of Hotel 88.
- Latest






















