Romualdez, inilipat na sa PGH

Sasailalim sa independent medical exam
MANILA, Philippines — Nasa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa Maynila na si dating House Speaker Martin Romualdez para sa independent na medical examination matapos siyang ilipat nitong Sabado.
Si Romualdez ay inilipat sa UP-PGH mula sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) sa San Juan City kung saan siya na-confine alinsunod sa kautusan ng Sandiganbayan para makapagsagawa ng indipendyenteng pagsusuri sa kalusugan nito at maberipika ang findings naman ng kaniyang mga doktor sa CSMC.
“The court deems it proper to direct an independent examination of accused Romualdez at PGH to verify the medical examination conducted by (his) doctors in Cardinal,” pahayag ng Sandiganbayan 3rd Division.
Si Romualdez na nahaharap sa kasong P7.44-bilyon plunder ay dumaranas ng maraming sakit tulad ng hypertension, hypothyroidism, Type 2 diabetes, anxiety attack at iba pa. Habang nasa pagamutan, isinailalim na siya kustodya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa pagdinig nitong Biyernes, sinabi ni Dr. Rosalio Torres, overall coordinating ng Cardinal Santos Memorial Medical Center, delikado pa umanong ilipat ng pagamutan si Romualdez dahil sa kondisyon nito habang iginiit ni Cardiologist Dr. Rody Sy na nangangailangan ang kongresista ng 4-6 na linggo bago siya mailipat ng detention facility.
Sa darating na Setyembre 14 ay nakatakda nang desisyunan ng anti-graft court ang isyu ng pananatili sa ospital ni Romualdez.
- Latest



















