^

Police Metro

Marcoleta at Defensor, sumalang sa ika-2 plunder bail hearing  

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumalo kahapon sina Senador Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor para sa kanilang ikalawang pagdinig sa mosyon na makapagpiyansa sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong punder sa Sandiganbayan.

Sina Marcoleta at Defensor kabilang ang dalawang negosyante ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan Third Division kaugnay nang hindi pag- disclose ng P75 milyong donasyon bilang campaign fund ni Marcoleta sa pagtakbo sa pagka Senador.

Sa pagdinig, sumalang si Esther Rhoda Formoso, opisyal ng Revenue District Office 43 sa Pasig at nagsabing hindi niya personal na inihanda ang negative certification o ang dokumento na nagsasabing walang records na available para sa donasyon.

Aniya ang negative certification ay base sa naging report sa kanya. Sinabi nitong bilang isang revenue district officer, kasama sa kanyang trabaho na ecustody ang income tax returns.

Itinakda ng graft court ang susunod na pagdinig sa September 14 at sasalang naman dito si Field Investigation Bureau Director Maria Melinda Mananghaya-Henson.

MIKE DEFENSOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with