7 bayan sa Isabela apektado ng ASF

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Binabantayan ngayon ang pitong bayan sa lalawigang ito matapos mamonitor ang hinihinalang kaso ng African Swine Fever (ASF) nitong mga nakaraang araw ayon sa Isabela Provincial Information Office.
Ang mga lugar kung saan naireport ang kaso ng ASF ay sa mga bayan ng San Mateo, Alicia, Ramon, Quirino, Luna, San Isidro at Echague.
Agad namang nakipag-ugnayan ang Provincial Veterinary Office (PVET) sa bawat Municipal Agriculture Office (MAO) at City Agriculture Office (CAO) upang maisagawa ang mga kinakailangang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Nanawagan din si Isabela Vice Governor Francis “Kiko” Dy sa mga hog raisers sa buong lalawigan na agad ipagbigay alam sa kinauukulan ang mga hinihinalang kaso ng ASF sa kanilang lugar.
Paalala pa niya, huwag agad ibenta ang mga baboy na hinihinalang may sakit sa halip ay ireport ito upang maagapan, makontrol at hindi na kumalat pa ang ASF.
Agad ring bumuo ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 ng Regional Animal Disease Outbreak Quick Response Team (RAD-OQRT) para tugunan ang suliranin sa ASF at matulungan ang mga lokal na tagapag-alaga ng baboy na makaiwas sa pagkalugi.
- Latest























