^

PM Sports

EST Cola swak sa PVL Finals

Russell Cadayona - Pang-masa
EST Cola swak sa PVL Finals
Hinatawan ni EST Cola star spiker Papatchaya Phontham si Thi Nah Phong Nguyen ng Ho Chi Minh ng Vietnam.
PVL photo

MANILA, Philippines — Inangkin ng guest team EST Cola ng Thailand ang unang finals berth matapos walisin ang guest squad Ho Chi Minh City ng Vietnam, 25-19, 26-24, 26-24, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pumalo si Papatchaya Phontham ng 21 points mula sa 19 attacks, isang service ace at isang block para banderahan ang mga Thai spikers sa ikaapat na sunod na panalo sa torneo matapos matalo sa unang laro.

“We’re very happy to be in the finals. It’s all about our teamwork,” sabi ng 20-anyos na si Phontham.

Nag-ambag si Nannaphat Moonjakham ng 18 markers at may 12 points si Nirarach Srikuta, habang may 18 excellent sets si setter Natnicha Saelao.

Ito ang unang PVL finals appearance ng EST Cola matapos ang fourth place finish noong 2024 Invitational Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers.

Lalabanan ng Thailand team sa ‘winner-take-all’ championship match bukas ang mananalo sa pagitan ng nagdedepensang PLDT at Creamline na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ito.

Ang magkasunod na atake ni Srikuta ang naglagay sa EST Cola ng matchpoint, 24-22, bago nakatabla ang Ho Chi Minh sa 24-24.

Nagtuwang sina Nattharika Wasan at Srikuta para kumpletuhin ang kanilang straight set win sa mga Vietnamese hitters (1-4).

Sa unang laro, pinatumba ng Nxled ang Farm Fresh, 25-20, 25-21, 18-25, 25-22, tampok ang 25 points ni Fil-Am middle blocker MJ Phillips.

Nagdagdag si Jackie Acuña ng 12 points at tumipa si Jonah Sabete-Escamillan ng 11 points at 21 receptions para sa Chameleons (3-2).

May 10 markers si Myla Pablo, habang may siyam na puntos si EJ Laure-Carino na siyang sumelyo sa kanilang four-set win laban sa Foxies (1-4) na nakahugot kay Trisha Tubu ng 20 points.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with