^

PSN Showbiz

Ang mamatay...ibibida ang barkong kalawangin sa West Philippine Sea

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ang mamatay...ibibida ang barkong kalawangin sa West Philippine Sea

Ang Korean series na Descendants of the Sun ang naalala ko tungkol sa uumpisahang pelikula na Ang Mamatay Nang Dahil ‘Sayo. I mean in terms of production.

Susundan ng Ang Mamatay Nang Dahil ‘Sayo ang kwento ng apat na Philippine Marines sa West Philippine Sea - BRP Sierra Madre, bilang backdrop.

Pagbibidahan ito nina McCoy De Leon, Mon Confiado, Arron Villafor, Polo Laurel, at Gold Aceron kasama sina Mark Neumann at Yves Flores.

Prinodyus ng Great Czar Productions at FLIP The Script Productions. Sa ilalim ng direksyon nina Philip King at Ceasar Soriano.

Idiniin ng dalawang director na hindi ito tungkol sa giyera kundi kung ano ang pinaglalaban nila at ang pinagdaraanan ng mga sundalo nating nagtitiis upang ipaglaban ang ating karapatan.

Bagama’t iba naman ang kuwento ng Descendants...saka series ‘yun, pero ‘yung backdrop.

Anyway sina Direk Caesar at Direk Philip na : “Hindi ito pelikula tungkol sa digmaan. Ito ay isang pelikula tungkol sa kung ano ang dapat protektahan.

“Ito ay tungkol sa tahanan, kapatiran, katatagan, at tahimik na kabayanihan ng mga ordinaryong Pilipino.

“Higit sa lahat, ito ay isang kuwento ng isang henerasyon na nagbabantay upang ang susunod na henerasyon ay magmana ng isang bansang buo pa rin,” sab ng dalawang direktor at producer ng pelikula.

Ang alitan sa West Philippine Sea ay isang pangunahing tunggalian sa teritoryo na kinasasangkutan ng magkakasalu­ngat na pang-aangkin sa karagatan, ang malawak na nine-dash line ng China, at ang mga karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng international law.

At sa naganap na cast reveal, alam mo na isa itong malaking pelikula na uumpisahan na nila ang shooting.

Aminado rin sina McCoy, Mon, at iba pang bida sa pelikula na dahit dito, mas tumaas ang level of awareness nila sa mga nagaganap sa West Philippine Sea at kung ano ba ang karapatan natin dito.

Sampung taon na ang nakalilipas nang pinagtibay ng isang arbitral tribunal ang karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone at continental shelf nito sa West Philippine Sea at pinawalang-bisa ang nine-dash-line claim ng China sa South China Sea.

Dahil doon, bumilib ang mga eksperto sa batas bilang isang legal na tagumpay ng Pilipinas na nagtataguyod sa mahalagang sea lane noong Hulyo 12, 2016.

Pero ano nga ang ibig sabihin ng 501-pahinang desisyon para sa isang ordinaryong Pilipino?

Ayon naman kay Mon Confiado, ang ang pelikulang Cast Away noong 2000 ang naisip niya rito sa Ang Mamatay Nang Dahil Sayo.

Tulad kasi ng nasabing pelikula hindi hango sa totoong kwento ang gagawin nila. Pero aminado sila Direk Philip na humugot sila nang malaking inspirasyon mula sa mga totoong pangyayari lalo na malaki ang karanasan ni Direk Caesar nang mag-cover siya sa Ayungi Shol noong reporter pa siya sa ABS-CBN.

“Kaya para siyang castaway na nasa loob ng barko eh. Parang ganun halos. So, kasi totoo naman eh, buong buhay ng mga Marines na yun, nandun lang sila sa kalawanging barko na ‘yun (BRP Sierra Madre). So, makikita natin, ano ba ‘yung buhay nila talaga dun? Ano ba yung... Siyem­pre, sigurado, hindi naman sila nasusuplayan ng tamang pagkain. So, malamang sila rin ‘yung nangingisda, ‘di ba? O sila rin yung gumagawa ng paraan, paano sila nakakakain, o kung ano man yung mga pangangailangan nila,” sunud-sunod na tanong na gusto rin nilang diskubrihin sa pelikulang ito ng actor.

“O, unang-una nga diyan yung medikal eh. Paano kung may magkasakit sa kanila? Di ba? Emergency. Let’s say may naaksidente. So, ‘di ba? Saan mo itatakbo yun? So tayu-tayo lang yun.

“Paano ‘yung mga gamot doon,” sabi pa ng mahusay na actor na hindi pumasok sa isip na magpulitika.

Dahil din sa pelikulang ito, tumaas ang level of awareness ng cast tungkol sa BRP Sierra Madre, isang barko noong World War II na nakadaong sa Ayungin Shoal (Ikalawang Thomas Shoal) upang magsilbing permanenteng military outpost ng Philippine Navy.

Target nilang ipalabas ang pelikula sa November this year.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with