^

PM Sports

Elasto Painters umeskapo sa Bolts

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Elasto Painters umeskapo sa Bolts
Pinasok ni Rain or Shine guard Adrian Nocum ang depensa ng Meralco para sa kanyang layup.
PBA Image

MANILA, Philippines — Hindi pa rin maawat ang Rain or Shine matapos umeskapo kontra sa Meralco, 85-83, upang masolo ang segunda puwesto sa Group B ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Matinding 9-2 panapos na bomba ang ipinta ng Elasto Painters para maitakas ang kanilang ikaapat na sunod na panalo tungo sa 4-2 kartada sa Group B sa likod lang ng lider na Phoenix (4-1).

Bida sa comeback win ng ROS si Aaron Fuller na humakot ng 25 puntos at 13 rebounds na double-double kabilang na ang go-ahead basket sa huling 39 segundo bago sumandal na lang sa depensa ang koponan.

Umalalay sa kanya si Vince Cuajao na may 12 puntos habang may tig-11 puntos sina Jhonard Clarito at Caelan Tiongson kasama na ang 7 at 6 puntos nina Anton Asistio at Adrian Nocum, ayon sa pagkakasunod.

Pero pinakamahalaga ang balikwas ni Fuller na nagkasya lang sa 14 puntos sa 98-97 panalo nila kontra sa Magnolia.

“I knew the team nee­ded me. I needed to bounce back. I’m glad we came together and got this tough win,” dagdag ni Fuller na binuhos ang 18 sa kanyang kabuuang output sa 2nd half matapos malimitahan sa 7 lang sa 1st half.

“Isa siguro ito sa pina­kamasamang laro namin but we found ways in the end game to carve out a win. It’s just about finding ways to win,” ani coach Yeng Guiao na naiganti ang 122-114 kabiguan kontra sa Meralco sa 1st round ng double-round eliminations tampok ang Top 4 na makakapasok sa crossover playoffs kontra sa Group A.

Sa katunayan ay ROS ang nakauna sa sabong nang bulagain sa 29-18 bentahe ang Meralco bago manlamig hanggang sa maghabol pa sa 68-75 papasok sa 4th quarter.

Naghahabol pa sa 76-81 ang Elasto Painters sa huling 6 na minuto bago putulan ng kuryente ang Bolts na natameme nalang sa 2 puntos.

Sa kabuuan, nilimita­han ng ROS sa 8 puntos lang sa 4th quarter ang Meralco na may tsansa pa sanang maitabla ang laro subalit sablay ang 2 free throws ni Bong Quinto sa huling 2.5 segundo na nagresulta sa rebound ni Fuller para sa tagumpay.

Tumabo ng 16 rebounds 5 rebounds, 5 assists at 4 steals si Chris Newsome subalit ininda nila ang tahimik na kampanya ni Antonio Hester na may 15 puntos lang bagama’t may 13 rebounds para sa double-double na performance.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with