^

Police Metro

2 panadero nalunod sa ilog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang isa sanang masayang picnic nang malunod ang dalawang empleyado ng isang paniderya sa bahagi ng Ilog Aghkuyo sa Bontoc, Mountain Province noong Hunyo 30, 2026.

Ang mga nasawi ay sina Jeremihan Binan Guing-oy, 25-anyos ng Poblacion, Mankayan, Benguet at Jacob Ting Tan, 38-anyos, residente ng Middle Quirino Hill, Baguio City.

Sa ulat ng Bontoc Municipal Disaster Risk Reduction and Management, magkasama ang dalawang biktima na nagtungo sa ilog kasama ang tatlo pa nilang kasamahan sa trabaho para gugulin ang isang araw na kanilang pahinga.

Nabatid na alas-3:00 ng hapon, nang makita ng kanilang mga kasamahan sina Jeremihan at Jacob na lumangoy sa agos bagamat lumipas na ang tatlong oras ay hindi pa rin nakikitang umahon ang dalawa na nagdulot ng kaba sa tatlong kasamahan.

Dahil dito, inireport na ng may-ari ng isang bakery sa mga otoridad ang insidente na agad namang nagsagawa ng search ­operations.

Kinabukasan (Hunyo 30) ay natagpuan na ang bangkay ng mga biktima na nasa ilalim ng ilog na sumabit sa batuhan.

 

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with