^

PM Sports

PBA Governors’ Cup balik sa group format

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik sa dating group for­mat ang PBA Season 50 para sa inaabangang Go­vernors’ Cup tampok ang pagbabalik din ng Ma­cau bilang guest team simula sa Hulyo 10.

Bida sa Group A ang ba­­gong PBA Commissio­ner’s Cup champion Ba­rangay Ginebra, habang babandera naman sa Group B ang runner-up at reigning Govs’ Cup champion TNT Tropang 5G.

Kasama ng Gin Kings sa trangko ng resident import at Gilas Pilipinas naturalized player na si Justin Brownlee sa Group A ang Rain or Shine, Meralco at Magnolia pati na ang Phoenix at Blackwater.

Swak naman sa Group B kasama ng TNT ang San Miguel, Converge at NLEX pati na ang Titan Ultra at Terrafirma.

Dinagdag din dito ang Macau na ipaparada ang ba­gong moniker na Giant Pandas matapos mangulelat bilang Black Knights sa katatapos lang na Com­mis­sioner’s Cup.

Dadaan sa double-round robin eliminations ang mga koponan kontra sa kanilang mga ka-grupo upang matukoy ang Top 4.

Dito mangggaling ang quarterfinalist sa crossover best-of-three format hanggang sa semifinals at finals na parehong best-of-seven.

Ito rin ang format no­ong Season 49 kung saan nagwagi ang TNT sa likod ni Rondae Hollis-Jefferson kontra kay Brownlee at sa Ginebra, 4-2.

Bagama’t lalarga na kaagad sa Hulyo 10, inaa­sa­hang tatagal hanggang Disyembre ang Govs’ Cup dahil sa inaabangang Asian Games at FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan tutulong ang PBA para sa paghahanda ng Gilas Pilipinas ni Ginebra head coach Tim Cone.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with