^

Probinsiya

Lalaking missing sa Rizal, dinukot at pinatay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lalaking missing sa Rizal, dinukot at pinatay
Ayon sa pulisya, alas-12:00 ng madaling araw ng Hunyo 2, 2026 nang inireport ni alyas “Edden”, ang pagkawala ng kapatid na biktimang si alyas “Mansueto”, may-asawa, construction worker, tubong Surigao Del Norte at residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
STAR / File

Bangkay itinapon sa Tarlac

MANILA, Philippines — Hindi lang “missing person” kundi dinukot at pinatay ang isang 34-anyos na lalaking matagal nang pinaghahanap matapos mabuksan ang Facebook account nito ng kanyang kapatid na babae, na naging daan para matunton ang huling nakasama ng biktima sa Rodriguez, Rizal, ayon sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station nitong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, alas-12:00 ng madaling araw ng Hunyo 2, 2026 nang inireport ni alyas “Edden”, ang pagkawala ng kapatid na biktimang si alyas “Mansueto”, may-asawa, construction worker, tubong Surigao Del Norte at residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Matapos malaman ng kapatid sa mga kaibigan ng biktima na nagtungo ito sa Rizal para makipagkita sa isang indibiduwal, agad iniulat ito sa San Mateo Municipal Police Station.

Nitong Hunyo 21, nagawang mabuksan ng kapatid ang FB account ng biktima at doon natuklasan niya ang pagkakakilanlan ng huling ka-chat nito na gustong makipagkita sa kanya at agad na ikinasa ng Rodriguez MPS ang follow-up investigation at natunton ang isang alyas “Joshua” na taga-Rodriguez, Rizal.

Napilitang ibunyag ni Joshua na natakot siya sa pagbabanta ng “mastermind” kaya napilitan siyang kumbinsihin na makipagkita ang biktima sa kanya na nauwi sa pagdukot at pagpatay bago inabandona ang bangkay sa lalawigan ng Tarlac.

Isiniwalat din ni ­Joshua na galit ang suspek dahil sa pagiging police asset umano ng biktima sa ilegal na droga.

Nakipag-ugnayan sa Tarlac Police ang mga imbestigador at tugma naman ang mga isiniwalat ni Joshua sa natag­puang bangkay ng lalaki sa Concepcion, Tarlac, na nakatali ang mga kamay ng plastic zip at duguan ang bibig at ilong.

Bukod sa mastermind na residente sa Brgy. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan; dalawa pang kasabwat na sina alyas”Ed” at isang John Doe ang pinaghahanap.

RIZAL

RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with