^

PSN Showbiz

Herlene, type umepal sa PBB

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Herlene, type umepal sa PBB
Herlene Budol

Pakinggan kaya ni Kuya ang panawagan ni Herlene Budol na papasukin siya sa Bahay ni Kuya para raw ipagtanggol si Ashley Ortega. Sabi nito, “Parang naawa ako kay Ashley! Kuya, pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley sa loob.”

Sa Facebook, tinanong pa nito ang followers niya kung okay sa kanila na pumasok siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

Nakakatuwa dahil kahit wala pa siya sa loob ng Bahay ni Kuya, may mga plano na siya kung ano ang kanyang gagawin kapag nasa loob na siya nito. Hindi raw puwede sa kanya ang hindi marunong magsaing, hindi raw siya puwedeng gawing katulong.

Sa mga mamba-backstab naman, wala raw maipapalabas, wrestling-an na agad. Baka raw puro bleep na lang ang maipalabas. Kapag maaga naman daw siyang ginising sa first night niya sa Bahay ni Kuya, hihingi siya ng another five minutes.

Marami ang pabor na pumasok siya na house guest sa PBB. Ang ibigay raw na task sa kanya ay ang maipalabas ang tunay na ugali ng mga housemate. Pero may mga ayaw na pumasok siya dahil mapapaaway lang siya at sagot niya, eme eme lang ang lahat.

Sa nag-comment na ‘wag na siyang pumasok dahil baka maghuhubad lang siya sa loob. Sagot ni Herlene, “Haha!! Tara maligo ng naka turtle neck.”

May bagong papasok na Kapuso sa Bahay ni Kuya, wala pang clue na ibinigay ang PBB. Siya na kaya ito? Tapos na naman yata ang taping niya ng Binibining Marikit, kaya puwede na siyang ma­ging part ng reality show.

JakBie, nag-iwasan!

Nagkita sa Trade Launch at GMA 75th anniversary sina Barbie Forteza at Sanya Lopez at nagbatian ang dalawa, naka-smile at nagbeso ang muntik nang maging maghipag.

Parehong nasa event sina Barbie at Jak Roberto, pero hindi raw nag-abot.

May effort ang ex couple na hindi magkita. Inalam siguro nila kung anong oras darating ang isa para alam kung kailan i-exit.

First interview ‘yun kay Jak after ng breakup nila, nakiusap daw ito na ‘wag na siyang tanungin about Barbie na sinunod ni Aubrey Carampel ng GMA News.

No mention of Barbie at sa ipinapatayong bahay ang napag-usapan na malapit nang matapos na malaki para sa isang tao.

Nabanggit din ni Jak na balik-workout siya dahil may gagawing project na hindi pa sinabi kung pelikula ba o TV series.

Maganda na parehong naka-move on na sina Jak at Barbie at parang kaya na nilang magkita at magbatian ng “hi” at “hello.”

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with