^

PSN Palaro

UP sososyo sa liderato vs UE

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling huhugot ng lakas ang University of the Philippines kay JD Cagula­ngan upang masungkit ang pangalawang sunod na panalo sa pagharap nila sa University of the East sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin ngayon sa Araneta Coliseum.

Magsisimula ang bakbakan ng UP at UE sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng sagupaan sa pagitan ng National University at Far Eastern University sa alas-4:30 ng hapon.

Pakay ni Cagulangan at ng Fighting Maroons na sumiksik sa three-way tie sa top spot upang mapalakas ang asam nila na sumampa sa Final Four pagkatapos ng elimination round.

Tangan ng Fighting Ma­roons ang 1-0 karta, magkasalo sa tuktok ang defending champions De La Salle University Green Archers at University of Santo Tomas Growling Tigers na may tig-2-0 records.

Tumikada si JD Cagulangan ng 17 points, siyam na assists at pitong rebounds para sa UP nang katayin nila ang Ateneo, 77-61 noong Sabado para ilista ang 1-0 card.

Determinado si Cagulangan na ibalik ang korona sa kanilang bakuran para mabigyan nito si coach Goldwin Monteverde ng panibagong championship sa kanyang huling taon na paglaro sa collegiate.

Sa women’s division, tatangkain naman ng da­ting kampeon na NU Lady Bulldogs na sakmalin ang pangalawang sunod na panalo kontra sa FEU Lady Tamaraws sa alas-11:30 ng umaga.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with