Halos 600 biktima ng paputok - DOH
MANILA, Philippines - Halos 600 katao ang biktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.
Sinabi ng DOH na mas mataas ng 43 percent ang bilang ng mga biktima ngayon kumpara sa nakaraang taon.
Pero kahit dumami ang mga nasaktan, hindi naman naging malala ang mga natamong sugat ngayong pagsalubong ng 2014.
Karamihan sa mga sugatan ay dahil pa rin sa ipinagbabawal na Piccolo na patuloy na ginagamit ng publiko.
Umaasa ang DOH na hindi na lolobo pa ang bilang hanggang sa pagtatapos ng kanilang pagtutok sa Enero 5.
Pero nanawagan ang ahensya sa mga tagapagpatupad ng batas na higpitan pa rin ang kanilang kampanya kontra sa mga ipinagbabawal na paputok.
Paalaala ng DOH na huwag nang gumamit ng paputok.
- Latest
- Trending