3 daliri ng binata putol sa pla-pla
MANILA, Philippines – Tatlong daliri ang nawala sa isang binatilyo matapos magsindi ng paputok, ayon sa regional health office sa Baguio City.
Sinabi ni Elnoria Bugnosen ng Department of Health (DOH) Emergency Management na naputol ang tatlong daliri sa kamay ng 16-anyos na binatilyo matapos magsindi ng pla-pla.
Bukod sa kamay, sugatan din ang mukha ng hindi pinangalanang biktima na taga Barangay Bangaan, Sagada, Mountain province.
Samantala, isang 11-taong gulang na lalaki naman ang nasunog ang kamay dahil sa pagsindi ng Piccolo.
Isa ang Piccolo sa mga ipinagbabawal na paputok ng mga awtoridad dahil karamihang biktima nito ay mga bata.
Sa huling tala ng Philippine National Police 43 na ang biktima ng mga paputok at ligaw na bala.
Kaugnay na balita: 9 biktima ng ligaw na bala; 1,300 ipinagbabawal na paputok nakumpiska
Mas mataas naman ang bilang ng Department of Health na umabot na sa 134, kabilang ang naputulan ng kamay matapos magpaputok ng “Super Yolanda.â€
Kaugnay na balita: Kelot putol ang kamay sa 'Super Yolanda'
- Latest
- Trending