Grupo sa gobyerno: Ipagpatuloy ang tulong sa Yolanda victims
MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang grupo ng mga volunteers mula Maynila na ipagpatuloy ng gobyerno ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda†sa Eastern Visayas.
Inaasahang darating ang grupo na may 80 miyembro ngayon sa pinakamatinding tinamaan ni Yolanda ang lungsod ng Tacloban kasabay ang panawagan sa Department of Social Welfare and Development na palawigin pa ang tulong na nakatakdang magtapos hanggang Disyembre 31.
Sinabi noon ng DSWD na tanging mga pamilyang walang kakayahang makabangon ang kanilang bibigyan ng mga pagkain, habang ang iba ay bibigyan ng mapagkakakitaan.
Ang naturang grupo ang nagsasagawa ng taunang Paskuhang Paslit, at ngayon ay idaraos nila ito sa bayan ng Palo at Barugo sa Leyte.
Magsasagawa rin sila ng candle-lighting activity para sa pag-alala sa mga nasawi ng bagyo na tumama noong Nobyembre 8.
Isasagawa ang Paskuhang Paslit sa Palo, Leyte bukas, Disyembre 18, at sa Barugo, Leyte naman sa kamakalawa.
- Latest
- Trending