^

Balita Ngayon

DSWD paiimbestigahan ang pagbebenta ng foodpacks ng US sa Makati

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang isyu ng pagbebenta ng ilang politiko ng mga donasyon ng United Kingdom, pinapasilip ng Department of Social Welfare and Development ang ulat na ibinebenta ang food packs ng United States sa ilang supermarket sa Makati City.

Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman ngayong Martes na bumuo na siya ng grupo na tututok sa naturang balita na pagtitindi ng meal-ready-to-eat (MRE) packs.

"Ang amin ngayong iniimbistigahan. Kasi bine-base namin dun sa Facebook na nagpakita na parang Makati ho yan sa Cash and Carry yata. At meron ho kaming investigating team na binabaybay yun," pahayag ni Soliman sa isang panayam sa telebisyon.

Nilinaw din ni Soliman para sa mga tauhan talaga ng Armed Forces of the Philippines ang mga MRE.

Dagdag niya na high-protein tetra packs ang kanilang ipinapamahagi sa mga biktima ng bagyong “Yolanda” mula sa United States Agency for International Development (USAID).

"Yung tinanggap namin na high protein. Ito po ay nakalagay sa kahon. Walong maliit na tetra packs paste ang laman po. Ibig sabihin sisipsipin mo po yun. At nung nagdistribute nga kami dun sa San Jose ...yung lang ho ang natanggap namin, yung MRE na tinatawag po meal ready to eat pinaiimbistiga ho namin. Issued ho yan sa military hindi ho yan binibigay sa amin,” paliwanag ni Soliman.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CASH AND CARRY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INTERNATIONAL DEVELOPMENT

MAKATI CITY

SAN JOSE

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SOLIMAN

UNITED KINGDOM

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with