Mas matinding parusa sa pagpapalaglag itinulak sa Kamara
MANILA, Philippines – Dahil sa dumaraming bilang ng mga nagpapalaglag na kababaihan, mas matinding parusa laban sa aborsyon ang isinusulong ng isang mambabatas sa kamara upang mapigilan ito.
Inihain ni Manila Rep. Amado Bagatsing ang House Bill 3201 kasunod nang mga ulat na natatagpuang fetus sa mga basurahan.
"These fetuses are the unwanted and uncared for unborn babies who have been wantonly murdered to hide the shame of their mothers," pahayag ni Bagatsing.
Sinabi ni Batagsing na naaayon sa batas na kailangang pangalagaan ang buhay ng mga ina at ng kanilang mga nasa sinapupunan.
Habambuhay na pagkakakulong ang parusa sa mahuhuling sadyang nagpapalaglag, habang 12 hanggang 20 taong pagkakakulong ang parusa sa mga ina.
Pagkakakulong ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan ang parusa sa abortion by violence unintentionally.
Makakasuhan din ang mga doktor, midwife at pharmacist na magbibigay ng mga abortifacient na gamot sa mga buntis at magbabayad ng P100,000.
- Latest
- Trending