Skills training hatid ng TESDA sa 'Yolanda' victims
MANILA, Philippines – Upang matulungang makabangon matapos ang pananalasa ng bagyong “Yolanda,†halos 50 survivors ang ngayo’y sumasailalim sa skills training ng gobyerno.
Sinabi ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Joel Villanueva na libre ang naturang training para sa mga nasalanta ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.
Lahat ng mga trainee ng TESDA ay mga nakaligtas sa pananalasa ng bagyo noong Nobyembre 8 at ngayo’y naninirahan sa Tent City sa Villamor Elementary School sa Pasay City.
"We see this as relevant and timely assistance to the typhoon survivors following their harrowing experience," pahayag ni Villanueva.
Sumasailalim sa beauty care services training ang mga kababaihan at sa small engine repair ang mga lalaki para sa programang tinawag na “TESDA sa Komunidad.â€
Sinabi ni Villaueva na sa ganitong paraan ay tinuturuan ang mga survivor na tumayo sa sarili nilang mga paa.
"The road to their recovery is long, and we begin it with training to enable them to acquire some skills and engage in productive activities to earn income," banggit ng kalihim.
"By tapping their skills and honing them, we are helping the survivors help themselves and get back on their feet not because of dole outs but because of their own sweat.â€
Karamihan sa mga biktima ni Yolanda ay mula sa Tacloban City kung saan pangingisda ang pangunahing panghanap-buhay.
"Once they have completed the training, they will bring home a new set of skills that will help them get back to their normal lives,†sabi ni Villanueva.
- Latest
- Trending