^

Balita Ngayon

Jake Cuenca itinangging sangkot sa pagwawala ni Anne

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinanggi nina Jake Cuenca ang tsismis na isa siya sa mga dahilan ng pagwawala ni Anne Curtis sa isang bar sa Taguig City kamakailan.

Ilang araw bago lumutang ang balita hinggil sa umano'y pananampal ni Anne kina magazine editor JR Isaac at John Lloyd Cruz ay lumutang ang pangalan ni Jake.

Sina Jake at John Lloyd umano ang kumalampag ng pintuan ng comfort room ng naturang bar habang nasa loob nito si Anne.

Sa tindi ng galit, nanampal umano si Anne at inatake pa sai Phoemela Barranda at ipinangalandakan umano na kaya niyang bilhin ang model-actress maging ang kanyang mga kaibigan at ang mismong club.

Sa kanyang TWitter account, mariing itinanggi ni Jake ang ulat na lumabas sa isang blog site.

“This was not an easy day for me and being sick just made things harder... I will put it behind me but i will never forget everything said and written today... Im done talking about it i have said my piece im not wasting another second in something i wasnt part of or better yet a fabrication of a person who didnt bother to know truth and what really happened,” anang aktor.

Aniya, gusto sana niyang kasuhan ang nagkalat ng tsismis pero naisip niyang hindi naman isang totoong mamamahayag ang taong nasa likod nito.

“I wont say your name because i am not like you who name drops so easily but im sorry you are not a real journalist i would love to sue you but its not worth it for such a small issue... If you are just gonna gossip do it right know your facts and dont involve people who had nothing to do with the issue,” dagdag ng aktor.

ANNE CURTIS

COM

JAKE CUENCA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

PHOEMELA BARRANDA

SINA JAKE

TAGUIG CITY

TWITTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with