^

Balita Ngayon

2 Navy ships nakahanda sa pagdadala ng 7-M yero sa Visayas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpresinta ang Philippine Navy sa pagdadala ng 300 milyong tonelada ng yero sa Eastern at Western Visayas na gagamitin sa pagpapatayo ng mga nasirang bahay dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda.

Sinabi ni Lt. Cmdr. Gregory Fabic, tagapagsalita ng Philippine Navy, na puwedeng gamitin sa naturang misyon ang dalawa nilang logistic ships ang BRP Bacolod City (LC-550) at BRP Dagupan City (LC-551).

"These ships can be loaded to the utmost of their capacity and deployed to deliver the galvanized iron sheets in Eastern Visayas and Western Visayas" ani Fabic.

Ang dalawang barko ay kapwa may kakayahang magkarga ng 4,000 tonelada.

Ayon kay Fabic, nakahanda na ang mga barko at naghihintay na lamang ang kanilang hukbo ng pasabi mula sa mga kinauukulan.

Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng gobyerno sa dalawang rehiyon na mangangailangan ng 300 milyong tonelada ng yero (may katumbas na 7 milyong pirasong yero) para sa pagpapagawa ng daan-daang bahay sa mga probinsyang na hinagupit ng super bagyo.

AYON

BACOLOD CITY

DAGUPAN CITY

EASTERN VISAYAS AND WESTERN VISAYAS

FABIC

GREGORY FABIC

NAGPRESINTA

NAUNA

PHILIPPINE NAVY

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with