'Yolanda' death toll 5,500 na; mahigit 1,700 pa nawawala
MANILA, Philippines – Lumobo na sa 5,500 ang kumpirmadong nasawi sa hagupit ng bagyong “Yolanda†sa Visayas partikular sa probinsya ng Samar at Leyte, ayon sa state disaster response agency ngayong Miyerkules.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 207 bangkay ang kanilang naidagdag sa bilang na pawang mga taga Tacloban City, ang isa sa mga pinakamalalang hinagupit ng bagyo.
Dagdag ng NDRRMC na ang 60 pang bangkay ay nakuha sa Leyte at iba pang lugar sa Eastern Samar.
Umakyat din ang bilang ng mga nawawala sa 1,757 mula sa 1,613, habang 26,136 katao ang nasaktan sa pagbayo ng bagyo sa kabisayaan.
Pinangangambahang higit sa pitong libong katao ang nasawi sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.
- Latest
- Trending