2014 budget lusot sa Senado
MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Senado ngayong Martes ang P2.265-trillion budget para sa susunod na taon.
Lumusot sa pangatlo at huling pagbasa ang panukala matapos bumoto ang 16 na senador pabor sa 2014 national budget na walang pagkuwestiyon.
Senate approves P2.265-T national budget for 2014 on third and final reading today, November 26.
— Franklin Drilon (@frankahan) November 26, 2013
Mas mababa ng P3.2 bilyon ang bersyong ipinasa ng Senado kumpara sa iminungkahi ng Palasyo na P2.268 trilyon na inaprubahan naman ng Kamara nitong nakaraang buwan.
Daraan ang dalawang bersyon ng 2014 budget sa gagawing bicameral conference committee bago tuluyang maiselyo.
- Latest
- Trending