^

Balita Ngayon

Hotel inireklamo ng negosyante

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inirereklamo ng isang businessman ang isang kilalang hotel sa Pasay City matapos mailabas ang kotseng isinangla sa kanya nang walang pahintulot.

Ayon kay Edwin Domingo, pumasok siya sa naturang hotel noong Oktubre 3, 2013 gamit ang puting Honda CRV, may plakang ZDP-128 na isinanla sa kanya ni Argel Blanco na umano’y kilalang player ng casino sa hotel.

Sinabi ni Domingo na isinangla ni Blanco ang nasa­bing kotse sa kanya, sa mismong opisina nito sa Araneta corner Quezon Avenue sa halagang P400,000. Isang papel na may pirma at thumb mark ni Blanco na nagpapatunay ng pagsasangla nito sa naturang sasakyan ang kanyang pinanghahawakan dahil tiwala umano siya sa kanya dahil matagal na silang magkaibigan.

Sabi ni Domingo na matapos niyang pumasok sa hotel ay ibinigay niya ang susi sa Valet parker at binigyan siya ng valet parking ticket. Ibinilin din ni Domingo sa security ng hotel na nakasangla sa kanya ang nasabing sasakyan ni Blanco, kaya’t hiningi sa kanya ang Xerox copy ng OR-CR ng sasakyan kasama ang kanyang lisensya saka nagtuloy na sa loob ng hotel.

Matapos ang ilang oras ay bumaba na si Domingo at laking gulat niya nang malamang nailabas ito ni Blanco na naroon pa pala sa inirereklamong hotel. Agad siyang nagtuloy sa front desk ng hotel at kinompronta ang mga staff kung bakit nailabas ang sasakyan gayong ibinilin na niya ito sa security office at maging ang valet parking ticket officer.

Kinasuhan na ni Domingo si Blanco ng estafa sa Pasay City prosecutors office, habang ang hotel ay wala pang ginagawang aksyon sa kanilang naging kapabayaan.

 

vuukle comment

ARANETA

ARGEL BLANCO

AYON

BLANCO

DOMINGO

EDWIN DOMINGO

HOTEL

PASAY CITY

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with