^

Balita Ngayon

Pork barrel: Unconstitutional! - SC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi naaayon sa saligang batas ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Funds (PDAF) o mas kialal sa “pork barrel” ayon sa Supreme Court en banc ngayong Martes.

Sinabi ng mataas na hukuman sa ginanap na oral arguments na labag ito sa saligang batas ng Pilipinas.

Sa botong 14-0 pinaboran ng mga hukom ang petisyon nina Greco Belgica at Samson Alcantara matapos nilang kuwestiyonin ang umano’y maanomalyang pondo.

Sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na "facially unconstitutional" ang PDAF.

Iniutos naman ng SC ang imbestigasyon sa mga nang-abuso sa PDAF.

Nilinaw rin ng mataas na hukuman na permanente na ang inilabas nilang temporary restraining order laban sa PDAF.

Dahil dito ay hindi na ilalabas ng Department of Budget and Management ang nalalabing pondo para sa taong 2013.

Lumutang ang anomalya sa pork barrel matapos maglabas ang Commission on Audit ng special report sa naturang pondo.

Nauna nang naghain ng kasong pandarambong ang Department of Justice sa Sandiganbayan kontra sa ilang mambabatas kabilang sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr., matapos madawit ang kanilang pangalan sa pork barrel scam.

Ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang itinuturong utak sa pork scam matapos niya umanong gamitin ang mga pekeng nongovernment organization upang paraanin ang mga PDAF ng mga mambabatas saka paghahati-hatian.

 

BONG REVILLA JR.

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRECO BELGICA

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUNDS

SAMSON ALCANTARA

SENIOR ASSOCIATE JUSTICE ANTONIO CARPIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with