Publiko pinag-iingat ng NDRRMC sa mga pekeng tumatanggap ng donasyon
MANILA, Philippines – Sa patuloy na pagbuhos ng mga tulong para sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda†nagpaalala ang state disaster response agency ngayong Martes na ipaabot ang tulong sa mga grupong mapagkakatiwalaan.
Inihayag ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council matapos mapag-alamanang may mga nananamantalang grupo na tumatanggap ng donasyon upang idiretso sa kanilang mga bulsa.
Pinag-iingat n iNDRRMC Exec, Dir. Eduardo Del Rosario ang publiko sa mga pekeng grupo tulad ng organisasyon nina “Jose Aquino†at “Bobby Buquiran.â€
"Mayroon mga kababayan na nagra-ride sa situation, nagpapanggap at nagsasabing sila ay authorized na manghingi at tumanggap ng donasyon," paalala ni Del Rosario.
"Ito pong dalawa ay bogus. Hindi po totoo na ito ay miyembro ng council o kahit anong agency," dagdag niya.
Sinabi ni Del Rosario na ginagamit nina Aquino at Buquiran ang pangalan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin at iba pang kalihim ng gobyerno upang manghingi ng donasyon.
"Hindi natin malaman kung ito ay totoong pangalan nila o alyas but ito ang ginagamit nila 'pag kumu-contact sa probable donors," sabi ng pinuno ng NDRRMC.
Dagdag niya na walang bayad na hinihingi ang gobyerno sa mga nais magpaabot ng tulong sa mga biktima ni Yolanda.
Iba't ibang grupo at indibidwal mula sa Pilipinas at ibang bansa ang nagpahatid ng tulong matapos bayuhin ni Yolanda ang kabisayaan partikular sa probinsya ng Samar at Leyte.
- Latest
- Trending