^

Balita Ngayon

Boxing legends pabor kay Pacquiao kontra Rios

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung ang mga boxing legends ang tatanungin siguradong panalo ang Filipino Boxing Icon Manny Pacquiao para sa kanyang nalalapit na bakbakan.

Unanimous ang boto ng mga legends para sa nagtatangkang bumangon sa dalawang magkasunod na pagkatalo na si Pacquiao.

Makakaharap ni Pacquiao si Brand Rios sa Cotai Arena, Venitian Resort sa Macau sa Nobyembre 24.

Ilan sa mga nagsabing mananalo ang boksingero at kongresista ay sina Sugar Ray Leonard, Roberto Duran, George Foreman at dating pinabagsak na ni Pacquiao na si Marco Antonio Barrera.

Kahit ang tumalo kay Pacquiao na si Timothy Bradley ay sinabing mananaig ang Pinoy sa loob lamang ng walong rounds.

Pero para kay Foreman, mananalo si Pacquiao dahil sa “home-region decision.”

”I think it’s going to be a 12-round decision and I give Pacquiao the hometown decision. How about a home-region decision,” sabi niya.

Sinabi naman ni Leonard na malaking pagkakataon ito para kay Rios pero sa dulo ay si Pacquiao pa rin ang kanyan pinili

“I think Pacquiao will win although I give Rios a shot, a big shot. It’s not going to be an easy fight. I’m picking Manny because he is Manny Pacquiao,” ani Leonard.

Inalala naman ni Barrera ang kanyang pagkatalo sa Pilipino 10 taon ang nakakalipas nang ibato ng kanyang kampo ang puting tuwalya, senyales na suko na sila.

“What I do remember is fighting a guy I knew nothing about and a very explosive fighter. What I remember about other than losing the fight was he really beat me with the body shots. He was an extremely quick fighter that I was not prepared for. More than anything, Manny Pacquiao gained a lot of respect from the fans by beating me,” sabi ni Barrera na natalo rin sa rematch noong 2007.

BRAND RIOS

COTAI ARENA

FILIPINO BOXING ICON MANNY PACQUIAO

GEORGE FOREMAN

MARCO ANTONIO BARRERA

PACQUIAO

ROBERTO DURAN

WHAT I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with