^

Balita Ngayon

Cristine sa hiwalayan nila ni Derek: ‘Hindi pa ako ready’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang kanilang saglit na relasyon, nagsalita na si Kapamilya actress Cristine Reyes sa kanilang hiwalayan ni Kapatid hunk Derek Ramsay.

Sa kanyang panayams sa “Buzz ng Bayan” ng ABS-CBN nitong Linggo, sinabi ni Crisitine na hindi pa siya handa pumasok sa isang relasyon.

“Kapag binigay ko lahat dito (relationship with Derek), ayoko yung mangyari na sobrang sakit kapag nawala yung guy. Yun kasi yung fear ko,” paliwanag niya. “I think hindi pa ako ready.”

Sinabi ni Cristine na iba siya noong naging sila ni Derek, aniya, hindi siya komportable sa kanyang pinasok.

“Gusto ko siya, gusto ko si Derek pero hindi ako yung normal, hindi ako mapalagay sa kanya,” kuwento pa ni Cristine.

“Nung boyfriend ko siya—alam n’yo naman ako, loka loka ako, mapagbiro—alam mo yung, parang pwede ko pa bang gawin sa kanya yun? Parang hindi na kasi baka mamaya masermonan niya ako. Pero pag magkaibigan kami, nasasabi ko sa kanya lahat.”

Inamin din ni Cristine na mahal pa niya si Derek pero bilang kaibigan na lamang.

Kaugnay na balita: Umaasang babalik sa normal ang relasyon Derek nagsalita sa naunsyaming ‘forever’ nila ni Cristine

“Hindi po siya nawala kasi nagstay pa rin yung love ko for him as someone na special,” sabi ni Cristine.

Samantala, nadawit din ang pangalan ng isa pang ex-boyfriend ni Cristine na si GMA7 actor Dennis Trillo sa hiwalayan nila ni Derek.

Iginiit ni Cristine na walang third party sa breakup nila ni Derek.

Nagkasama sa pelikulang “No Other Woman” ng Star Cinema si Cristine at Derek kung saan kabilang din si Anne Curtis.

AKO

ANNE CURTIS

CRISTINE

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

DEREK

DEREK RAMSAY

NO OTHER WOMAN

STAR CINEMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with