^

Balita Ngayon

KC Concepcion magbibigay ng P5M sa 'Yolanda' victims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magbibigay ng P5 milyon ang Kapamilya actress KC Concepcion para sa mga nasalanta ng bagyong â€œYolanda” sa Visayas partikular sa probinsya ng Samar at Leyte.

Hindi na ito inihayag pa ng aktres ngunit si Kris Aquino ang nagsabi nito sa live telecast ng kanyang morning show na “Kris TV” sa ABS-CBN ngayong Miyerkules ng umaga.

“I salute you, KC, for this act of generosity, na extreme generosity. Nakakabilib talaga. Hindi ikaw ang nagyabang nito, ako ang nagpaabot. And I asked your permission,” sabi ni Kris.

Kaugnay na balita: Piolo happy para kay KC

Dagdag ng host na nais ni KC na mapunta ang tatlong milyon para sa mga agarang pangangailangan ng mga biktima, habang ang nalalabing dalawang milyon ay para sa gagawing pagbangon ng probinsya.

Sinundan ni KC ang yapak ng kanyang ina na una nang nangakong magbibigay ng P10 milyon.

Inihayag ni Sharon sa kanyang Twitter account na ipapadaan niya ang ibibigay na pera sa Aboitiz Foundation at Alagang Kapatid Foundation ng TV5.

Kaugnay na balita: Sharon nangakong magbibigay ng P10M sa mga biktima ni 'Yolanda'

“Please expect a check of PHP5 million from me tomorrow,” tweet ni Sharon sa Aboitiz nitong kamakalawa.

Samantala, pinapasubasta naman ni Angel Locsin ang kanyang vintage car at ang makukuhang pera ay ibibigay din sa mga nasalanta ng bagyo.

Isang 1970 Chevrolet Chevelle ang isasalang ni Angel sa auction, ayon sa Top Gear Philippines.

Ilan lamang sina KC, Sharon at Angel sa mga celebrity na nais tumulong.

vuukle comment

ABOITIZ FOUNDATION

ALAGANG KAPATID FOUNDATION

ANGEL LOCSIN

CHEVROLET CHEVELLE

KAUGNAY

KRIS AQUINO

TOP GEAR PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with