^

Balita Ngayon

Higit 2,000 na kumpirmadong patay kay 'Yolanda' - NDRRMC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot na sa 2,275 ang kumpirmadong patay dahil sa hagupit ng bagyong “Yolanda” sa Visayas region, ayon sa disaster response agency ngayong Miyerkules.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na 1,660 sa naturang bilang ay mula sa Region 8 kabilang ang mga probinsya ng Leyte, Eastern Samar at Samar.

Nasa 80 katao pa naman ang pinaghahahanap pa, habang 3,365 ang bilang ng mga nasaktan sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2013.

 Kasalukuyang nananalagi sa 993 evacuation centers ang 59,733 na pamilya o 286,433 na katao matapos masira ang 149,756 na bahay sa mga binayong probinsya.

Tinatayang P761. 4 milyon  ang halaga ng impastraktura ang nasira ng bagyo, habang nasa P561.8 milyon  ang halagang nasira sa agriukultura.

Nitong kamakalawa ay ideneklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang State of National Calamity sa Samar provinces, Leyte, Cebu, Iloilo, Capiz, Aklan, at Palawan.

AKLAN

CAPIZ

CEBU

EASTERN SAMAR

ILOILO

LEYTE

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SAMAR

STATE OF NATIONAL CALAMITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with