^

Balita Ngayon

PNoy 'di naninisi sa Tacloban aftermath - Cabinet exec.

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi sinisisi ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa nangyaring resulta sa pananalasa ng bagyong “Yolanda” nitong Biyernes, ayon sa isang miyembro ng kanyang gabinete.

"We're pressed for time. we need to respond. We need to move," pahayag ni Cabinet Secretary Jose Almendras. "As far as blaming local government, I don't think that is an accurate description."

Lumabas ang ulat na sinisi umano ni Aquino ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City dahil sa hindi umano pagiging handa sa pagdating ni Yolanda sa kabila ng mga babala ng gobyerno.

Iginiit ni Almendras na hindi nagtuturo ang Pangulo at nais lamang nila na magkaroon ng koordinasyon upang mapadali ang paghahatid ng tulong.

"Hindi po kami nanunuro. Wala po kaming sinisi. Ang sinasabi ko lang po, napakaimportante na meron kaming katuwang, meron pong makakasabi sa amin kung saan dadalhin ang tulong," sabi ni Almendras.

Dagdag niya na nahihirapan silang matukoy ang mga lugar kung saan dadalhin ang tulong dahil aniya’y wala silang makausap na opisyal ng lungsod.

"Hindi po namin kilala ang mga barangay captain. Ni hindi ko alam ang mga pangalan ng mga barangay, much more their location," bulalas ni Almendras.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na aabot sa 10 milyong katao ang naapektuhan ng bagyo.

Pinapangamba naman ng mga awtoridad na higit 1,000 katao ang nasawi sa paghagupit ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

 

ALMENDRAS

AQUINO

BIYERNES

CABINET SECRETARY JOSE ALMENDRAS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PANGULONG BENIGNO AQUINO

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with