State of emergency idineklara sa Tacloban
MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of emergency ang Tacloban City ngayong Lunes kasunod nang paghagupit ng bagyong ‘Yolanda’ na kumitil sa daan-daang buhay ng mga tao at sumira ng mga ari-arian.
Kaakibat ng state of emergency ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga upang maiwasan ang kaguluhan sa lungsod.
Ayon sa mga ulat, nagkukumahog ang mga survivor ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2013 sa pagkakaroon ng makakain at inumin na nauwi sa tinatawag na looting.
Kaugnay na balita: Looting talamak, pati ATM tinir
Pinasok na ng mga residente ang mga grocery stores upang makakuha ng makakain, habang ang iba ay pati ang mga automated teller machine ay pinuntirya na rin.
Hindi pa matukoy kung ilan ang eksaktong bilang ng mga nasawi matapos tumama ang pang-24 bagyo nitong Biyernes na mahigit tatlong beses humampas sa lupa.
Kaugnay na balita: Patay kay Yolanda aabot sa 10,000!
Pero sa pagtataya ng mga awtoridad ay pinangangambahang umakyat sa 10,000 katao ang nasawi sa buong Visayas kung saan sa Tacloban, Leyte na may 200,000 populasyon ay daan-daan na ang patay habang marami pa ang sinasabing nawawala.
- Latest
- Trending

















