Signal No.3 sa 6 na lugar sa paglapit ni 'Yolanda'
MANILA, Philippines – Itinaas na ang public storm warning signal number 3 sa anim na lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa paglapit ng bagyong “Yolanda,†ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa 637 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 738 kilometro timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar kaninang alas-10 ng umaga.
Napanatili ni Yolanda ang lakas nito na 215 kilometers per hour at bugsong aabot sa 250 kph, habang gumagalaw sa pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 30 kph.
Inaasahang tatama sa kalupaan ng Guiuan, Eastern Samar ang bagyo bukas ng umaga sa pagitan ng alas-9 at alas-10 ng umaga.
Tinatayang daraanan ng bagyo ang probinsya ng Samar, Leyte, at Palawan bago lumabas ng bansa sa Sabado ng umaga.
"Yolanda, after hitting Guiuan, is expected to traverse the provinces of Leyte, Biliran, Northern tip of Cebu, Iloilo, Capiz, Aklan, Romblon, Semirara Island, Southern part of Mindoro then Busuanga and will exit the Philippine landmass (Saturday Morning) towards the West Philippine Sea," pahayag ng PAGASA.
Nakataas ang public storm warning Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
Eastern Samar
Samar
Leyte
Southern Leyte
Siargao Island
Dinagat Province
Public storm warning Signal No. 2:
Masbate
Ticao Island
Northern Samar
Biliran Province
Bantayan
Camotes Islands
Northern Cebu
Cebu City
Bohol
Surigao Del Norte
Camiguin
Surigao Del Sur
Agusan Del Norte
Public storm Signal No. 1:
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Mindoro provinces
Burias Island
Romblon
Marinduque
Calamian Group of Island
Southern Quezon
Aklan
Capiz
Iloilo
Antique
Guimaras
Negros Occidental
Negros Oriental
Rest of Cebu
Siquijor
Misamis Oriental
Agusan del Sur
Makakaranas ng malakas hanggang matinding buhos ng ulan ang daraanan ng bagyo na nasa loob ng 600 kilometer dimater ng bagyo.
Naka full alert na ang lahat ng sangay ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa buong bansa.
Target ng pamahalaan ang “zero casualty†sa sinasabing pinakamalakas na bagyo ngayong taon.
Si Yolanda ang pang-24 na bagyo ngayong 2013 at pangalawa ngayong buwan ng Nobyembre.
- Latest
- Trending