‘Permit to carry’ processing sabay sa gun show
MANILA, Philippines - Maaring makapagproseso ng kanilang “permit to carry†para sa mga bibilhing baril o dati nang pag-aaring armas sa gaganaping ika-21 Defense and Sporting Arms Show (DSAS) Part 2 sa SMX Convention Center sa Mall of Asia, Pasay City.
Gaganapin ang “gun show†mula Nobyembre 14-18 kung saan magkakaroon ng “one-stop shop†para sa pagkuha ng “permit to carry firearms outside of residence†sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP). Kasama rin dito ang neuro-psychiatric exam na pangangasiwaan ng PNP Health Services, Directorate for Investigation cleaÂrance, drug test ng PNP Crime Laboratory, gun safety seminar (lecture) ng PNP Civil Security Group at PNP Firearms and Explosives Office, at National Bureau of Investigation clearance.
Sinabi ni Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) President Jethro DioÂnisio, ito ay bunga ng suporta ni PNP Chief, Director General Alan Purisima na nagsusulong ng responsableng pagmamay-ari ng baril sa bansa.
Kasabay ng “gun show†ang 2013 Manila Auto Salon (Nov. 14-17) - ang pinakamalaking automotive aftermarket fair. Magbibigay naman ng malalaking diskuwento ang mga gun dealer sa mga piling baril at shooting paraphernalia sa limang araw na gun show event sa mga nais bumili ng armas para sa kanilang proteksyon.
- Latest
- Trending