Pagkansela sa pasaporte ng mga senador sa pork scam, malabo
MANILA, Philippines – Wala nang kapangyarihan ang Department of Justice (DOJ) upang hilingin sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ni Senador Bong Revilla Jr. at iba pang opisyal na kinasuhan kaugnay ng pork barrel fund scam, ayon sa kampo ng senador ngayong Huwebes.
Sinabi ng abogado ni Revilla na nasa Office of the Ombudsman na ang kaso kaya naman wala nang kapangyarihan ang DOJ upang hilingin na makasnela ang mga pasaporte ng 37 katao na kinasuhan ng plunder at malversation of public funds kaugnay ng P10-billion pork barrel fund scam.
“Unless we are now under martial law, it is ridiculous for this government to resort to the cancellation of passports of those they wrongfully charge as part of the pork barrel scam,†pahayag ni Joel Bodegon.
“They have already filed their report to the Ombudsman, and by that, they have no authority any longer to declare those they charge as "national security risk," dagdag niya.
Sinabi pa ng kampo ni Revilla na hindi maaaring ituring na “national security risk†ang kanyang kliyente dahil ni wala pang desisyon ang Office of the Ombudsman kung may dahilan upang magsagawa ito ng preliminary investigation hinggil kaso.
“Therefore, there is no basis to declare anyone among those charged by the NBI-DOJ as national security risk. Knowing her, Justice Secretary [Leila] De Lima would not issue such statement,†sabi ni Bodegon.
Bukod kay Revilla, pinapakansela rin ng DOJ ang mga pasaporte nina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.
Kaugnay na balita: Pasaporte nina Enrile, Revilla, Estrada pinapakansela ng DOJ
Samantala, ayaw namang magkomento ni Estrada sa rekomendasyon ng DOJ.
Nakahanap naman ng kakampi ang mga inirereklamong senador kay Sen. Francis Escudero na isa ring abogado.
Sinabi ni Escudero na wala pang basehan upang makansela ang pasaporte ng mga senador at iba pang akusado sa kaso.
“It is another matter if the cases are filed before the court,†komento ni Escudero.
Sinabi pa ng senador na: "Right to travel is still a basic constitutional right guaranteed by our Constitution that can only be limited under certain circumstances, including the filing or charges against a person."
Nauna nang inihayag ni De Lima ang planong pagkakansela sa mga pasaporte ng mga naturang respondents sa kaso upang masigurong hindi sila makakalabas ng bansa.
"I'm carefully reviewing the draft which was on my desk already. But I do intend to send it as soon as possible, hindi nga lang aabot ngayon, so baka tomorrow," pahayag ni De Lima kahapon tungkol sa pagkansela ng mga pasaporte.
Sa ilalim ng Philippine Passport Act nakasaad na maaari lamang kanselahin ang pasaporte ng isang Pilipini kung siya ay tumatakas sa batas, may kinakaharap na kasong criminal, at nakuha sa hindi wastong paraan ang pasaporte.
- Latest
- Trending