Benhur Luy uupo sa witness stand ng Makati RTC
MANILA, Philippines – Uupo sa Biyernes sa witness stand ng Makati Regional Trial Court Branch 150 si pork barrel scam whistleblower Benhur Luy upang ilahad ang kanyang naranasan sa umano’y ilegal na pagkulong sa kanya ni Janet Lim-Napoles.
Si Lu yang nagsampa ng kasong serious illegal detention kay Napoles kaya nakakulong ang negosyante sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna.
Dinidinig ng korte ang bail petisyon ni Napoles, ang itinuturong nasa likod ng bilyung-bilyong pork barrel scam, upang pansamantalang makalaya.
Sa nakaraang pagdinig noong Oktubre 14, sinabi ng ina ni Luy na si Gertrudes na ikinulong ni Napoles ang kanyang anak dahil sa hindi naayos na transaksyon sa “pork scamâ€.
Dagdag ni Gertrudes na tatlong beses niyang nakita si Benhur bago mailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa Pacific Plaza condominium sa Taguig City noong Marso 22.
Aniya, sinabi sa kanya ni Napoles na nasa “rehabilitation†si Benhur.
Samantala, ipapakita ni Lorna Kapunan, abogado ni Napoles, ang mga ebidensya nila sa Oktubre 29 at 30.
Nauna nang sinabi ni Kapunan na nais nilang ipakita ang kuha sa closed circuit television (CCTV) camera sa Pacific Plaza condominium at ang diary ni Benhur.
Sinabi ni Kapunan na mapapatunayan ng mga ebidensya na walang ginawang masama si Napoles kay Benhur.
- Latest
- Trending