^

Balita Ngayon

120 points itinala ng high school player sa QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Umukit ng bagong record ang isang high school basketball player sa Quezon City matapos tumipa ng 120 points, ayon sa isang ulat.

Pinangunahan ni Clark Quijano ng AMA University High School ang kanyang koponan upang lampasuhin ang Lord’s Grace Christian School, 166-85, sa 7th Mariano Bondoc Cup tournament sa Hope Christian Academy in Fairview, Quezon City.

Kinubra ng 16-anyos ang 120 points sa loob lamang ng tatlong yugto, kung saan sa opening quarter pa lamang ay sumungkit na siya ng 59 markers.

Binura pa ng 3rd year high school player ang record na ginawa ni De La Salle star player Jeron Teng noong naglalaro pa siya sa Xavier School.

Nagtala si Teng ng 104 points nang durugin nila ang Grace Christian College, 164-74, sa Freego Tiong Lian Basketball Association tournament noong Enero 5, 2011.

Bukod kina Quijano at Teng, gumahod ng 82 points si Keith Agovida ng Jose Rizal University Light Bombers matapos tambakan ang Malayan Mapua, 127-49, sa NCAA Juniors basketball tournament noong 2008.

Isa rin sa mga kumayod ng malalaking puntos si Joshua Saret na mula rin sa JRU nang basagin niya ang record ni Agovida noong sumunod na taon.

Tinapos ni Saret, na naglaro sa University of the Philippines noong kolehiyo, ang kanilang lopsided na laban kontra Angeles University Foundation, 171-43, na may bibihirang quadruple-double na 89 points, 11 boards, 12 assists, at 13 steals.

Si UAAP Season 76 MVP Terrence Romeo ay kabilang rin sa mga listahan ng eksplosibong laro nang sumungkit siya ng 83 points noong naglalaro pa siya para sa Far Eastern University Baby Tamaraws.

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

CLARK QUIJANO

DE LA SALLE

FAR EASTERN UNIVERSITY BABY TAMARAWS

FREEGO TIONG LIAN BASKETBALL ASSOCIATION

GRACE CHRISTIAN COLLEGE

GRACE CHRISTIAN SCHOOL

HOPE CHRISTIAN ACADEMY

JERON TENG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with