Sarangani niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Manila, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Sarangani, Davao del Sur, ngayong Miyerkules ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa 50 kilometro timog-silangan ng karagatan ng Sarangani.
May lalim na 15 kilometro ang lindol na tectonic ang origin kaninang 4:53 ng umaga, dagdag ng Phivolcs.
Sinabi ng Phivolcs na wala naman silang inaasahang aftershocks.
Wala ring naitalang intensity sa mga karatig na lugar ng Sarangani.
Nitong Oktubre 16 ay niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang Central Visayas na ikinasawi ng halos 200 katao.
Karamihan ng nasawi ay mula sa probinsya ng Bohol, kung saan maraming ari-arian din ang nasira, kabilang ang mga makasaysayang simbahan.
Sinabi ng mga awtoridad na sinlakas ng 32 atomic bombs ang naganap na lindol.
- Latest
- Trending