SC nanatiling matigas sa TRO vs PDAF
MANILA, Philippines –Hindi pinansin ng Korte Suprema ang pakiusap ni Solicitor General Francis Jardeleza na tanggalin na ang ang temporary restraining order sa Priority Development Assistance Funds (PDAF), Malampaya Fund at Presidential Social Fund.
Nakiusap si Jardeleza, bilang kinatawan ng gobyerno, ngayong Huwebes sa ikalawang araw ng oral arguments para sa pagdidinig kung naaayon ba sa Saligang Batas ang pork barrel.
Sinabi ni Jardeleza na marami ang maaapektuhan sa pagpapatigil ng paglabas ng pondo, ilan dito ay ang mga pasyente sa ospital at mga iskolar.
"We will plead to you that time is not on the side of the patients, and time is not on the side of the scholars ... innocent beneficiaries of the PDAF," banggit ni Jardeleza.
Aniya, hayaan na lamang ng mataas na hukuman na ang mismong mga mambabatas ang magresolba sa isyu ng maling paggamit ng pondo.
"For all the sins for the implementation of the PDAF, there will be a time to punish the errant and the corrupt," dagdag ng solicitor general.
Pero tanong ang din ang sagot ni Senior Associate Justice Antonio Carpio kay Jardeleza.
"Has PDAF really been abolished? Why are you still asking for the release of (the same)?" tanong ni Carpio.
Ipinaliwanag ng mahistrado na hindi pa ibinabasura ni Pangulong Benigno Aquino III ang PDAF dahil nakasaad ito sa the 2013 General Appropriations Act.
Aniya ipinatigil lamang ni Aquino ang pagpapalabas ng pondo kasunod ng mga umano’y maling paggamit dito.
- Latest
- Trending















