^

Balita Ngayon

Walang lalabas na litrato ni GMA at Napoles

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ng kampo ni Gloria Macapagal Arroyo na hindi sila kalianman nagkita ng itinuturong nasa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Sa isang panayam sa telebisyon ay sinabi ng abogado ni Arroyo na walang lalabas na litrato ang kanyang kliyente at si Napoles dahil hindi naman ito magkakilala.

"No. She does not know her (Napoles) and she has never met her. In fact, lahat ng testigo ng (pork barrel scam) never mentioned GMA in their statements or affidavits," sabi ni  Atty. Raul Lambino ngayong Lunes.

Nitong Setyembre ay kumalat ang litrato ni Pangulong Benigno Aquino III kasama si Napoles at ang asawa’t anak nito.

Pero sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office  Secretary Ricky Carandang na hindi kilala ni Aquino si Napoles.

"We're not hiding anything," pahayag ni Carandang. "He doesn't know them personally."

Kaugnay na balita: Palasyo iginiit na hindi kilala ni Noy ang mga Napoles

Paliwanag niya na hindi naman porke't kasama ni Aquino si Napoles sa larawan ay ibig sabihin nito ay magkakilala sila.

Dagdag ni Carandang na hindi naman maaaring pigilan ang mga gustong magpakuha ng litrato sa Pangulo lalo na kung nasa public event.

"Mahirap gawin 'yon. That's not just limited to the President. When you go to a public event, 'pag 'di ka nagpa-picture, magagalit sila. A picture with someone does not mean that they're guilty," sabi ng kalihim.

Sa inilabas ng Commission on Audit na special report tungkol sa umano'y maanomalyang paggamit sa Priority Development Assistance Fund ng mga mambabatas, saklaw nito ang taong 2007-200 kung saan si Arroyo ang nakaupong pangulo.

Hindi lumutang ang pangalan ni Arroyo sa ginawang imbestigasyon ng Department of Justice maging sa mga salaysay ng whistleblowers sa pangunguna ni Benhur Luy sa pagdinig ng Senado.

vuukle comment

AQUINO

BENHUR LUY

CARANDANG

DEPARTMENT OF JUSTICE

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

NITONG SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with