Mitoy umaming nagdroga
MANILA, Philippines – Inamin ng kauna-unahang "The Voice of the Philippines†grandwinner Mitoy Yonting na sumubok siyang gumamit ng ilegal na droga.
Kinuwento ng 43-anyos na si Mitoy na nangyari ito noong kabataan niya habang nagbabanda pa siya.
"Nadaanan," pag-amin ng singer sa isang panayam sa telebisyon ngayong Biyernes."Napakaplastic naman pag di ko sinabi."
Nilinaw ni Mitoy na hindi naman siya nalulong sa droga at napigilan niya ito.
"Nadaanan pero hindi ko lang minahal," dagdag niya.
Isa sa mga naging dahilan sa pag-iwas ni Mitoy sa bisyo ang kanyang pangarap na umakyat sa larangan ng musika.
"Magandang puhunan yung pangarap talaga eh," kuwento ni Mitoy. "Hindi madaling abutin yung pangarap mo pero basta dun ka lagi. Malihis ka man ng kaunti, balikan mo lang."
Tumulong sa mga naaapi
Ikinuwento pa ni Mitoy na pinangarap niyang maging pulis dahil sa kanyang idolo ang hari ng pelikulang Pinoy Fernando Poe Jr.
"[Gusto ko] ang maglingkod," sabi ni Mitoy na anak ng truck driver at factory worker. "Si Fernando Poe Jr. talaga, 'yung mga movie niya, 'yung mga tagapagligtas, 'yung mga tumutulong sa naapi, ang sarap gayahin nito."
"Parang ang sarap mag-pulis. Parang ang sarap tumulong sa tao," dagdag ni Mitoy na kumuha ng criminology noong kolehiyo pa lamang.
Sa edad na 18 ay mikropono na ang hawak ni Mitoy. Dahil dito ay ilang beses siyang nakapunta ng Japan bilang performer noong ‘90s.
Nagbunga ang lahat ng kanyang paghihirap nitong Linggo matapos siyang kilalaning The Voice of the Philippines kung saan nabiyayaan siya ng P2 milyon at bagong kotse.
Bukod sa pera at sasakyan, ginawaran din si Mityo ng apat na taong recording contract sa MCA Universal.
Alam ni Mitoy na may edad na siya pero aniya hangga’t may taong nakikinig sa kanya ay hindi siya titigil sa musika.
"Kung ibigay ng Diyos na baka makakanta pa ako nang hanggang 20 years pa, why not?Gagawin ko lang yung ginagawa ko na nagustuhan ng mga tao," banggit ni Mitoy.
"Itutuloy ko lang naman 'yung mga ginagawa ko. Siguro mas lalawak lang 'yung makakakita o makakapanood," dagdag niya.
- Latest
- Trending