^

Balita Ngayon

18 lugar sa Laguna lubog pa rin sa baha dulot ng habagat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-walong lugar sa probinsya ng Laguna ang lubog pa rin sa baha kasunod nang hagupit ng habagat noong nakaraang buwan, ayon sa state disaster response agency ngayong Miyerkules.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na baha pa rin sa ilang barangay ng lungsod ng San Pedro, Biñan at Calamba, gayun din sa bayan ng Bay at Sta. Cruz.

Nananatiling lagpas tuhod ang baha sa barangay Cuyab, Landayan, at Camcam sa San Pedro, barangay De la Paz, San Isidro, Malabanan sa Binan at barangay Palingon, Uwisan, Sucol , Pansol, Linga Purok 5 at 6, Lecheria, sa Calamba.

Nasa below knee-level naman ang baha sa barangay Sto. Domingo at San Antonio sa bayan ng Bay at barangay Santisima Cruz, Calios, Poblacion IV at Gatid sa bayan ng San Cruz.

Naka Code Blue alert pa rin naman ang Department of Health sa Metro Manila kung saan naglabas sila ng P1.124 milyong halaga ng gamot at medical supplies sa Center for Health Development.

Samantala, umabot sa 32 ang nasawi sa naturang sama ng panahon, habang tatlo ang nawawala, at walo ang sugatan, ayon pa sa NDRRMC.

Sa talaan ng DOH ay 124,147 pamilya o 592,893 katao ang nasalanta ng bagyo sa 36 bayan at 13 lungsod sa pitong probinsya ng bansa.

CALAMBA

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH DEVELOPMENT

LINGA PUROK

METRO MANILA

NAKA CODE BLUE

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SAN ANTONIO

SAN CRUZ

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with