^

Balita Ngayon

Derek sa isyung hiwalay na sila ni Cristine: 'I want to keep this private'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Kapatid actor Derek Ramsay na manahimik na lang sa isyung hiwalay na sila agad ng girlfriend na si Cristine Reyes.

Sa isang text message ni Derek sa Philstar.com sinabi niyang ayaw niyang magbigay ng komento sa umano’y hiwalayan nila ni Cristine.

“I don’t want to make any statement. I want to keep this private. Thanks.”

Inilabas ng entertainment website na Philippine Entertainment Portal ang balitang hiwalay na si Derek at Cristine.

Nitong Agosto lamang inamin ni Derek na girlfriend na niya si Cristine.

Kaugnay na balita:Derek nangakong aalagaan ang bagong dyowang si Cristine

Nang tanungin si Cristine sa press conference ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” kung ano ang nagustuhan niya kay Derek sinabi niyang pareho silang masiyahin.

“Pareho kaming baliw. Pareho kaming outgoing. Tapos family man siya, iyon yung pinakagusto ko sa kanya,” sabi ni Cristine.

Binulabog ng kontrobersya ang samahan ni Derek at Cristine noong nakaraang linggo matapos kumalat ang balitang may sex video ang Kapamilya actress at ang kanyang ex na si Rayver Cruz.

Sinabi ni Derek nitong nakaraang linggo na wala siyang pakialam kung mayroong video si Cristine dahil hindi na mahalaga ang nakaraan sa kanilang relasyon.

Kaugnay na balita: Derek walang paki kung may sex video si Cristine

“And even if there is (a video), it doesn’t matter because the past is the past.”

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CRISTINE

CRISTINE REYES

DEREK

DEREK RAMSAY

KAUGNAY

NITONG AGOSTO

PAREHO

PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with