^

Balita Ngayon

Curfew sa labas ng critical zone ng Zambo pinaikli

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaikli na ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ang curfew sa labas ng conflict zone kasunod nang panggugulo ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front.

Sinabi ni Mayor Isabelle Climaco-Salazar na ipapatupad ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa mga hindi apektadong lugar ng kaguluhan sa lungsod.

Patuloy naman ang alas-8 hanggang ala-5 ng madaling araw na curfew sa mga “critical areas” kabilang ang zone 4, Sta. Catalina, Sta. Barbara, Rio Hondo, Mariki, Kasanyangan, Talon-talon, Mampang, Arena Blanco atTugbungan.

Sinabi naman ng pangulo ng Zamboanga Chamber of Commerce and Industry (ZCCI) na si Pocholo Soliven na makakatulong sa pagbangon ng bumagsak na mga negosyo ang pagpapaikli ng curfew.

“If we have to follow the schedule, our workers have to do the early accounting in the early afternoon because they have to go home early because of the 8 p.m. curfew,” banggit ni Soliven.

Samantala, inabisuhan ng mga awtoridad ang publiko na manatili na lamang sa mga evacuation areas at huwag munang bumalik sa kanilang mga bahay dahil sa pangambang may mga naiwang bomba ang MNLF.

Idineklara ni Defense Secretary Voltaire Gazmin nitong kamakalawa na ntapos na ang krisis sa Zamboanga kasunod ang may 20 araw na labanan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at mga MNLF..

Samantala, 23 ang nasawi sa puwersa ng gobyerno, 18 dito ay sundalo at limang pulis, habang 181 ang sugatan, ayon sa Zamboanga City Police.

Dagdag nila na 12 sibilyan ang namatay at 72 ang sugatan, habang higit 100,000 residente ang apektado ng kaguluhan.

ARENA BLANCO

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

MAYOR ISABELLE CLIMACO-SALAZAR

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

POCHOLO SOLIVEN

RIO HONDO

SAMANTALA

SINABI

ZAMBOANGA CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with