149 paaralan sa Zambo, nagbukas na ng klase
MANILA, Philippines – Nagbukas na ng klase ngayong Miyerkules ang karamihan ng paaralan sa Zamboanga City sa kabila ng krisis sa pagitan ng mga sundalo ng gobyerno at ng Moro National Liberation Front (MNLF), na nasa ika-17 araw na.
Sa isang post sa kanilang Twitter account, sinabi ng Department of Education (DepEd) na 149 na paaralan sa mga hindi apektadong lugar sa Zamboanga City ang nagbukas na ng klase ngayon.
Good news, Pilipinas: 149 schools in "non-affected areas" in Zamboanga open classes today.
— DepEd (@DepEd_PH) September 24, 2013
Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Zamboanga City mayor Beng Climaco kagabi na maliban lang sa ibang bahagi ng siudad, ang klase sa mga paaralan na nasa labas ng seven-kilometer radius mula sa bakbakan ay magbubukas ngayon.
Ani Climaco, 156 na paaralan na nasa labas ng critical area o 80 porsiyento ng mga paaralan ay inaasahang magbukas ng klase.
Ngunit ang mga paaralan na malapit sa bakbakan, partikular ang 33 eskwelahan sa apat na barangay at walong isla de barangay, ay mananatiling sarado.
Ayon sa lokal na pamahalaan, kabilang sa listahan ng mga paaralan na mananatiling sarado ay ang mga eskwelahan sa Labuan, Limpapa, Ayala, Cawit, Baluno, Pasonanca, Lamisahan, Tetuan at Zambowood.
Upon advise from Brgy Captains, classes don't open tomorrow in Labuan, Limpapa, Ayala, Cawit, Baluno, Pasonanca, Lamisahan, Tetuan,Zambowood
— zambocitygovt (@zambocitygovt) September 24, 2013
Nagsimula noong Sept. 9 ang bakbakan sa Zamboanga nang sakupin ng mga rebelde ng MNLF ang ilang barangay at nang-hostage ng mga sibilyan at ginamit ang mga ito bilang panangga.
Nasa 13 sundalo ant 105 na rebelde na ang naulat na namatay sa patuloy na bakbakan.
- Latest
- Trending