^

Balita Ngayon

John Prats napatawad na si Jason, happy sa baby ni Melai

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatawad na ni John Prats ang soon to be daddy na si Jason Francisco matapos ang insidente sa taping ng isang show.

Sinabi ni John na bagama’t pinatawad na niya si Jason ay hindi pa naman sila nakakapag-usap ulit.

“Hindi pa kami nakapagusap, pero para sa akin naman, finorgive ko na 'yun. Parang okay na. Pero hindi pa kami nakapagusap,” pahayag niya nang makausap ng press sa taping ng “Banana Split” nitong kamakalawa.

Matatandaan na nitong Marso ay sumugod sa set ng Banana Split si Jason at biglang sinapak si John dahil umano’y binubully niya ang girlfriend na si Melai Cantiveros.

Napag-usapan ang sitwasyon ni John at Jason nang tanungin ang dating child star tungkol sa pagbubuntis ni Melai.

Sinabi ni John na nagulat siya nang marinig ang balita pero all in all ay masaya siya para sa katrabahong si Melai.

 â€œNagulat ako. Pero tulad ng sabi namin, happy ako for them. Mukha naman silang masaya. Happy naman si Melai, gusto naman nila 'yun,” banggit niya.

Dagdag ni John Pratts na lalong titibay ang relasyon ng MelaSon dahil sa baby.

 â€œKasi hindi lang silang dalawa ang iisipin nila. May iisipin na silang iba sa bawat desisyon na gagawin nila,” paliwanag niya.

vuukle comment

BANANA SPLIT

DAGDAG

JASON FRANCISCO

JOHN PRATS

JOHN PRATTS

MELAI

MELAI CANTIVEROS

PERO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with