^

Balita Ngayon

62 na utas sa Zambo standoff

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 62 ang bilang ng mga nasawi sa pampitong araw ng bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City ngayong Lunes.

Sinabi ni Maj. Angelo Guzman, deputy spokesperson ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na tigatlong tauhan ng militar at pulisya ang kabilang sa mga nasawi, limang sibilyan, at 51 miyembro ng MNLF.

Dagdag ni Guzman na 105 katao ang sugatan sa bakbakan, 23 dito ay pawang mga sibilyan.

Kahapon ay 11 miyembro ng MNLF, sa pamumuno ni Nur Misuari, ang nadakip sa operasyon ng mga militar upang umabot sa 48 na rebelde ang nahuhuli. Sa kabilang banda ay 183 sibilyan pa rin ang bihag ng MNLF.

Samantala, naitala ang pangwalong insidente ng sunog sa Sitio Lustre sa pagitan ng barangay Sta. Barbara at Sta. Catalina kung saan nagkukuta ang mga rebelde mula noong nakaraang Lunes.

Sinabi ni Zamboanga city fire marshal Senior Superintendent Dominador Zabala Jr. na pinaputukan ng mga rebelde ang mga rumespondeng bumbero.

“The rebels firing at our personnel and firetrucks have prevented us,” pahayag ni Zabala.

Sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na 67,316 katao na ang apektado ng kaguluhan sa Zamboanga City, kung saan 58,051 dito ay nananatili sa 22 evacuation centers.

ANGELO GUZMAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NUR MISUARI

SENIOR SUPERINTENDENT DOMINADOR ZABALA JR.

SINABI

SITIO LUSTRE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with